Monday, November 29, 2010
Remember When
Tuesday, October 5, 2010
A Different Kind of Travel
Binura na rin ng nakaraan ang daan patungo sa kanyang pinagmulan kaya ang maaari na lamang niyang gawin ay harapin ang daan at magpatuloy sa paglalakbay. Hindi siya masaya pero hindi rin siya malungkot pero ang kiliti sa kanyang tiyan ang nagbibigay sa kanya ng pagkakuntento sa kasalukuyang sitwasyon.
Sunday, August 8, 2010
Verizon
At ayun na nga, dumating na ang Biyernes. Magaaral dapat ako ng ilang mga technical terms pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil itong si Santiago branch ay buong araw kong kausap dahil sa kakaibang niyang problema na sa tingin ko ay may kaugnayan sa routing nila. Hindi na nga ako nagkapagaral at dumating na ang alas kwatro kasama si Astroboy upang samahan ako sa Filinvest Corporate City. Dumaan muna kami sa Robinson's Manila upang bumili ng skirt dahil ang kasalukuyang kong suot na skirt at tumataas kapag ako ay naglalakad.
Sumakay kami ng non aircon bus sa may Taft at bumaba kami sa may palengke sa Alabang, naglakad lakad at nakakatuwa dahil sa aming paglalakad na walang direksyon ay narating namin ang Filinvest corporate city. Mula duon ay nagtricycle kami para marating ang northgate at pagkatapos ay umikot ikot hanggang makita sa wakas ang Plaza D. Ganap na 6:15 ako nakarating sa Verizon, late na sa interview kong 6:00. Maayos naman, wala masyadong tao na di gaya ng aking inaasahan. Hindi rin nakakaintimidate ang mga tao dahil mga nakapantalon lang sila, mukha pa nga akong over dressed dahil sa corporate outfit ko.
Ayun na nga, nakita ko na si Mr. Allan Carlos. Hindi siya gaya ng aking inaasahan. Akala ko mataba siya. Hehe! Mula sa 3rd floor ay bumaba kami sa 1st floor at dun na niya ako ininterview. Nagulat ako ng inabutan niya ako ng green na papel. Green = Landbank. Pambihira. Ayun, sumagot ako ng ilang mga tanong na nakakatawa ang mga sagot ko. Pagkatapos ay ang oral interview na, hindi ko alam kung dapat akong mahiya sa sarili ko pero siguro nga ay dapat akong mahiya. Andami kong hindi nasagot na mga terminologies na tinatanong niya. Familiar ako sa mga terms na yun pero hindi ko lang talaga matandaan ang mga meaning. Kamote talaga ako. Example ay ang T1 at E1, kung two years ago nya tinanong sakin iyon ay masasagot ko yun. Ang DTE/DCE, CSU/DSU, CIR, at iba pa na kung tinanong niya sakin last year ay masasagot ko. Isang right love at the wrong time ang nangyari. Sinabi na nya agad sa akin na hindi ako nakapasa. Nakakatawa na nakakaiyak na nakakahilo na nakakamulat ng kaisipan.
"You should study more." Yan ang sabi ni Mr. Allan. Isang bagay na alam kong dapat kong ginagawa pero kailangan yata talaga na isang hindi ko kilalang tao ang magsabi sakin nito para magising ako. Ang buong interview ay nagustuhan ko kahit pa hindi ako natanggap. Bakit? Dahil natuto ako. Hindi ito pampalubag loob, ito ang tunay na naramdaman ko.
Ang tanging kawalan ko lang ay yung pamasahe ko pero ang buong experience ko na pagpunta sa Alabang kasama si Astroboy, ang pagpapainterview at ang pagkagising ko sa katotohanan ay.. worth it.
Hindi ako para sa Landbank lamang. Sabi nga ni Ramon Bautista,
Kung masaya ka na sa buhay mo, wag nalang. Kung sa tingin mo may isasaya pa yan at gusto mo yun, GO FOR IT!
P.S.
Kung sakaling mabasa ito ni Astroboy, gusto kong magpasalamat sa'yo. Isa ka sa mga dahilan kaya naging maganda ang experience ko na ito. At isa pa, para sa iyo itong ginagawa ko. =)
Thursday, July 15, 2010
Domestic Rat
Nang nagsimula ang araw na ito ay nagdadalawang isip pa ako, pero ang pagiisip ko ay sinalubong ng madaming tawag mula sa mga offline na mga branches ng Land Bank sa iba't ibang parte ng bansa. Nakakangarag dahil ang aga aga pa lang ay andami ng trabaho at marami pang hindi pumasok sa mga teammates ko. At nung sumagi muli sa balintataw ko ng mga alas dies ng umaga ang interview ay naisip ko na kahit andami dami kong ginagawa nung mga panahon na iyon ay masaya pa din ako.
Siguro ganun talaga ang pagkatao ko. Kapag nakahanap na ako ng bagay na nakapagpapasaya sa akin ay hindi na ako bumibitiw at nagbabakasali na baka may iba pang mas makapagpasaya sa akin. Kaya siguro magaanim na taon na kami ng boypren ko at kaya siguro Jollispaghetti ang inoorder ko palagi sa Jollibee.
Hindi ako sigurado kung tama ang ginawa kong pagtanggi sa pagkakataon pero ang alam ko ay masaya ako sa ngayon. =)
Saturday, July 10, 2010
Wow Weekeend
Stupidity No. 1
We are suppose to upgrade the teller system to version 5. Upgrading can only be done after all the transactions for the day has been encoded but stupid me, I did the upgrade without confirming if all the bank transactions has already been encoded and so now I do not know what out of this world error awaits me on Monday.
Stupidity No. 2
I failed to activate the links that is suppose to put the ATM of the whole bank in online status by 2 am, but the ATMs was online by 11 am. Imagine that downtime and the money lost by the bank and the punishment I am going to get because of that.
I am doomed.
Sunday, July 4, 2010
Fan Girl
Paborito kong miyembro ng SNSD si Hyoyeon. Parang magkakamukha lang kasi silang lahat at siya lang ang natatandaan ko yung mukha. Kahit parang marami yata ang may ayaw sa kanya dahil napapangitan sila, siya pa din ang pinakagusto ko, dahil na rin siguro sa hilig ko sa pagsasayaw.
So far ito ang pinakagusto kong video clip nila sa youtube,
Saturday, July 3, 2010
Random Thoughts
**
Hindi lahat ng nagwawalang bahala ay walang pakialam,
Minsan nagwawalang bahala ang isang tao para mapanatili ang kanyang katinuan,
Dahil sa dinamirami ng problema sa mundo,
Wag ka ng magtaka kung bakit madami ang nakakalbo
**
When death is near and heaven is uncertain,
He just wraps his arms around me and then,
Its serenity.
itutuloy ko na lang ang mga ito sa susunod, magpapraktis muna ako para sa job interview ko sa Monday.
Sunday, June 20, 2010
Balik Tanaw at HPB Rizal

Bulacan State University
Malolos, Bulacan
Kahapon ay aattend dapat ako ng seminar ng study program sa UK kasama ang mga dati kong mga kaklase sa kolehiyo na sila Marlene, Bien at Ramon. Pero dahil late na kami at may nakasabay kaming mga late din na mga nursing students ay nawalan na kami ng gana kaya nagpasya kaming pumunta na lang sa aming dating eskwelahan, sa BSU.
Dumiretso na kami sa gate 1 at pagkapasok namin ay nagulat kami sa aming nakita, hindi na ito ang BSU na aming kilala.
Oha! May Robinson's Supermarket, KFC, Gerry's Grill, Mcdo, Joey Pepperoni, Figaro, Mang Inasal, Fix, at iba pa sa school nyo. Haha! Naalala ko dati, itlog ng pugo lang ang kasiyahan ng mga estudyante noong panahon ko.Ito pa ang ibang tumambad sa aming pagbisita,

Eto walang pinagbago, ang mahabang proseso ng enrollment

Ang nilimot ng makabagong panahon na Integ

Ang sampung pisong red tea

At higit sa lahat, walang pinagbago ang walang humpay na tawanan, masarap na kwentuhan, tunay na pagkakaibigan at masayang samahan. =)

Tuesday, June 15, 2010
Fashion Designer
Dahil yan isang blog na natagpuan ko sa blogcatalog.com. Kahit pa hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dun dahil iba ang lenggwaheng gamit nya ay parang akong bata na nagbabasa ng encyclopedia na naengganyo sa mga litrato dun sa blog nya. Naisip ko bigla ang hilig ko sa mga damit at kung papaanong hirap akong bumili ng mga damit dahil may sarili akong style na gusto na hindi ko nakikita sa mga mall at naisip ko na gusto ko ding matutong gumawa ng sarili kong damit at gumawa ng damit para sa ibang tao at naisip ko din na naiinggit ako sa mga anak mayaman na gumagawa ng sarili nilang mga damit para ipangCosplay. Ting! Isang bumbilya ang umilaw sa kukote ko. Gusto kong maging isang fashion designer. Teka, ito nga pala yung blog na nakainspire sa akin: Pindot!
Kaya ayun, dali dali kong sinearch sa google ang dressmaking at tumambad sa akin ang site ng Fashion Institute of the Philippines. Dali dali kong tinignan kung magkano ang mga kurso para maging isang mahusay na high class mananahi at BENGA!, high class din ang presyo. Pero di ako susuko, manonood na lang ako ng mga tutorial sa youtube. Tama, yun nga ang gagawin ko. Sana buo pa yung sewing machine ng lola ko na paborito kong sakyan yung pedal nung bata pa ako.
At gusto ko pala na ako ang tatahi ng traje de boda ko pagdating ng tamang panahon at gusto ko ganito ang disenyo nun:
Monday, June 14, 2010
Dreams

"On this day God wants you to know..
Weird. I don't know who owns that application and I'm pretty sure it is not God but it usually says the right things at the right time.
And maybe its not too late to follow my dreams. I almost forgot that I am an achiever. I was a valedictorian in preschool, a silver medalist in gradeschool, belongs to the upper 20% of the class in highschool, a dean's lister in college, and a board passer with a total percentage of 81.
I can be what I want once I put my mind in to it. What in the world was I thinking, letting my flame die just like that. I am a fighter and I usually strive to be better than most. Ha! Screw John Barrymore, I am off to make my own awesome quotations about my awesome life. Watch me!
Saturday, June 12, 2010
New Zealand
Nerealize ko ang importansya ng aking pamilya, nung mga mahal ko sa buhay, nung aming munting tahanan. Dati wala akong pakialam sa kanila, ang totoo nga nyan ay kinamumuhian ko ang aking kakaibang pamilya. Away dito, away dun, reklamo dito, reklamo dun. Pero nung nagsimula akong bumyahe dahil sa aking trabaho at nagsimula akong mawala sa bahay namin ng mga ilang araw linggu-linggo, tumira sa iba ibang lugar, at madalas na kumain ng magisa ay nakakagulat na namiss ko ang aking pamilya. Napagtanto ko kung gaano nila ako napapasaya at naisip ko na hindi sapat na dahilan ang pera para ipagpalit ko ang kasiyahan na aking nadarama kapag kapiling sila at ang aking mga kaibigan. Dito ako pinanganak at kahit gaano pa kabulok ang kalakaran at sistema dito sa Pinas ay hindi ko ito ipagpapalit dahil ang puso ko ay nakatatak na sa lupain na ito.
Naalala ko na may napanuod ako dati na interview kay Sharon Cuneta at sinabi nya na kaya daw hindi sila nagmimigrate ng kanyang pamilya sa ibang bansa ay dahil magiging second class citizen daw sila. Kahit pa daw legal silang maging citizen ng isang banyagang bayan ay hindi pa rin ito katulad nung kapag nasa Perlas ng Silangan sila. "Pilipino ako kaya dapat sa Pilipinas ako nakatira."
Hindi ko idol si Sharon na kagaya ng tatay ko na umiyak pa nung kinasal siya kay Gaby pero humanga ako sa sinabi nya na ito. Totoo nga naman. Aba teka, June 12 pala ngayon. Araw ng kalayaan. Libre ang sakay sa LRT pero nagbebenta pa rin sila ng ticket sa mga hindi nakakaalam na libre. Hindi ko sinasadya na maging makabayan ang entry na ito. Siguro ay dahil sa lukso ng dugong Pilipino na nananalaytay sa akin. Laban Pacman! XD
Iloilo June 10-12, 2010

(pansinin ang 15th house rule ni Ate.. XD)
Things I've Learned from this Lakwatsa
2. Eat in Ted's or Dapli's instead of Shakey's and Greenwich.
3. People in Iloilo are ten times better than the people in Cagayan de Oro.
4. Going to Boracay from Iloilo is like going to Baguio from Cavite with traffic.
5. There is no pillow like my old dilapidated familiar pillow, no properly cushioned bed like my papag bed, no freshly Downied blanket like my Paulakwatsera-scented blanket and basically, There is no place like home. =)
Thursday, June 10, 2010
Monday, June 7, 2010
Di Boto sa mga Deboto
Kahapon, Linggo, ay napunta ako sa simbahan ng Birhen ng Manaog. Ito ay matatagpuan sa isang lugar sa Pangasinan na sandamakmak ang tao. Masaya kong tinungo ang simbahan na ito sa pag-asang makakapagsimba na ako matapos ang mahabang panahon ng hindi pagdalaw sa bahay ng Diyos, ngunit nagkamali ako. Alas sais y medya ng umaga ay nakarating kami sa nasabing simbahan at napansin ko na andaming tao dahil pumipila pa sila para makapagsimba.
Tumaas ang kilay ko at aking nasabi na,
"Bakit ba pumupunta pa sila dito para magsimba at magdasal e andami dami namang simbahan sa Pilipinas."
At sinagot ako ng kasama ko ng,
"E kasi natutupad yung mga hinihiling nila dito."
"Sus, e kung tutuparin talaga ng Diyos ang panalangin mo e tutuparin nya yun kahit saan ka pa magsimba. At kung hindi ay kahit sa Roma ka pumunta, hindi talaga. Kalokohan to."
"Edi umuwi ka na lang."
At ayun na nga, hindi na ako nakapasok ng simbahan dahil lalong dumami ang marami ng mga tao. E bahala na nga sila, hindi rin naman ako makakapagdasal ng taimtim sa ganung kadaming deboto. Kaya minarapat ko na kumain na lang ng bentsingko pesos na lugaw. Siguro binendisyunan ang lugaw na yun kaya ganun kamahal. Nawa'y pagpalain ang sikmura ko.
Pananampalataya. Yan siguro ang dahilan nila at ang kulang sakin kaya hindi ko maintindihan. Pero kung iyon ay bulag na pananampalataya, tingin ko ay wala akong karapatang magsabi.
Friday, June 4, 2010
Dial Up Queen
Thursday, June 3, 2010
Palpakers
ANAK NG KAMOTE!!
Wala pa naman silang Backup Server. Este hindi pa naman pala namin este ko naconfigurean ng Backup Server yun. Palpak na naman. Hay naku. Buti na lang hindi ako yung nakausap este hindi ko pala talaga kinausap. Buti na lang sinalo sila nung mga mabubuti kong teammates. Buti na lang may isa silang terminal na may 2000 Server partition. Buti na lang hindi sila nagagalit. Haaaaayyyyyyyyyyy...
Lubos akong nagpapasalamat na naging ayos naman (yata) ang lahat at sana bukas wala ng problema na maisisi ko sa sarili ko.
Ayoko nang mag-sorry. Sawa na kong magsisi
Wednesday, June 2, 2010
Nagablenkblenk
Kasalanan ko ba?
Kaya nagablenkblenk ang server nila ay dahil sa virus, sa Conficker at sa Back-door.
Bakit nagkavirus?
Dahil kinabit ko yung cable na nagcacascade sa Teller's switch, sa FMS switch at sa IP switch nila.
Bakit ko kinabit?
Dahil hindi magoonline ang mga IP applications ng Accounting Center kung hindi ko kinabit.
Tama ba ang ginawa ko?
Hindi, dapat inadvise ko yung branch na magpacable na lang ng bago.
Anong nararamdaman ko sa ginawa ko?
Sobrang lungkot, dahil mahirap talaga kapag sinisisi ka ng ibang tao pero pinakamahirap kapag wala kang ibang pwedeng sisihin kundi sarili mo.
Mga Aral:
1. Hindi dapat basta magawa mo lang yung isang trabaho. Dapat pulido dahil kung hindi, ikaw din ang mahihirapan.
2. Huwag na huwag umasa sa cascaded setup.
3. Magiging ayos din ang lahat.

Tuesday, June 1, 2010
Kung fu Pandoughnuts
Oogway: Look at this tree, Shifu. I cannot make it blossom when it suits me nor make it bear fruit before its time.
Shifu: But there are things we *can* control: I can control when the fruit will fall, I can control where to plant the seed: that is no illusion, Master!
Oogway: Ah, yes. But no matter what you do, that seed will grow to be a peach tree. You may wish for an apple or an orange, but you will get a peach.
Shifu: But a peach cannot defeat Tai Lung!
Oogway: Maybe it can, if you are willing to guide, to nurture it, to believe in it.
Shifu: But how? How? I need your help, master.
Oogway: No, you just need to believe. Promise me, Shifu, promise me you will believe.
Ayun. Naalala ko yung ginawa kong status message sa fb at ang nakuha kong comment:
I shot for the sky, I'm stuck on the ground.
At ang nakuha kong sagot ay, "patience paupau."
Siguro nga tama siya, masyado akong nagmamadali. Masyado kong iniisip ang mga bagay bagay. Pakiramdam ko kasi na matanda na ako ay wala pa rin akong nararating kaya binabagabag na ako ng aking pagkamainipin. Sana nga pagdating ng panahon ay lumagay sa tamang lugar ang mga bagay bagay. Dapat nga siguro talaga akong maghintay at maniwala.
At habang ako'y naghihintay ay nais kong ikwento ng kaunti ang kakatwang araw na ito. Nagumpisa ng hindi maganda dahil sa mga munting problema sa trabaho at unang araw ng pagkatas ng aking pagkababae pero matapos ang tanghalian ay ininterview ako ni bossing para sa regularization ko, nilibre ako ng sugar raised doughnut ng isa kong katrabaho, nilibre pa ulit ako ng isa kong katrabaho ng bavarian filled choco bar doughnut at paguwi ko ay nakakagulat na may doughnut ulit sa mesa.
Siguro ang buhay ay parang araw na ito. Hindi man maging maganda ang simula ay dapat lang maghintay at maniwala. Magiging matamis din ang lahat. Apir!

Monday, May 31, 2010
Happy Feet

May nagpost kasi ng isang kowt na tropapips ko sa plurk na hindi ko naintindihan tapos pinaintindi nya sakin tapos hindi ako sumangayon e puyat ako nun e pag puyat ako para akong lasing at pag lasing ako ay aktibo ang emosyon ko kaysa sa utak ko kaya ayan, nagawa ko yan. =)
Butuan, San Francisco, Digos, Davao
May 27, 2010
Residence to Malate Head Office to Manila Airport to Butuan Airport to San Francisco Branch
May 28, 2010
San Francisco Branch to San Francisco Bus Terminal to Davao Bus Terminal to Davao-Recto Branch
May 29, 2010
Davao-Recto Branch to Davao Bus Terminal to Digos Bus Terminal to Digos Branch to Digos Bus Terminal to Davao Bus Terminal to Davao Airport to Manila Airport to Malate Head Office to Residence.
1. A very exhausting weekend but I am not complaining. =)
2. Agahan, Tanghalian at Hapunan ko sa San Francisco, USA (Upper Side of Agusan) ay sa Jollibee na katabi lang ng branch. Dun ko narealize na parepareho ang lasa ng pagkain sa Jollibee. Hindi ako pinakain ng mga taga branch na ito pero ok lang, mababait naman sila.
3. Magkaiba ang San Francisco Bus Stop sa San Francisco Bus Terminal.
4. Nakita ko na sa personal si Sir Vincent. Siya yung isa sa mga kaclose ko na personnel ng branch particularly Bansalan branch (Bansalan is in Davao del Sur). Siguro kasi magkalapit yung age namin kaya nakaclose ko siya. Tsaka mabait siya tsaka nasasakyan niya ang mga kalokohan ko. Tsaka alam kong nababaitan siya sakin kahit na sinasabi niya na masama ako. =D
5. Nakapunta din ako sa Aldevinco (sikat na bilihan ng mga souvenir sa Davao City). Bumili ako ng authentic pearls at oriental bag. Dapat pala madami yung binili ko para naibenta ko online. Ang mumura kasi. 120 pesos lang yung pearls na sa Manila ay mga 700 siguro. At yung bag ay 150 lang kahit na mukhang galing sa Thailand.
Hanep. I love Davao =). Pero sa ganda ng Davao ay ito lang ang nakuhanan ko ng picture sa aking buong nakakapagod na travel sa bandang ibaba ng Pilipinas.
Nakita ko ito nung itinapon ko yung mga balat ng CAT-5 UTP Cable sa isang basurahan sa Digos Branch. XD













