Monday, May 27, 2013

Wednesday, July 20, 2011

Bagong Simula

Gagawa na sana ako ng bagong blog para sa aking bagong simula. Para mas fresh, mas feel na feel ang pagbabago pero naisip ko na mahabang proseso na naman ang paglelayout ng blog at iba pang mga ka-ekekan na kailangan kapag nagsisimula ng bagong tapunan ng mga hinaing. 


Gusto ko lang namang ilabas itong saloobin ko ngayon. Hindi pwede sa Facebook dahil magmumukha akong nageemo at nagpapapansin. Hindi pwede sa Tumblr kasi walang magrereblog at baka mawala pa ang kakarampot kong followers. Lalong hindi pwede sa Plurk dahil ang korni na dun. 


Gusto ko lang sabihin na gusto kong kumawala. Pakiramdam ko ay nasa isang kulungan ako at gusto kong umalpas. Gusto kong tumalon sa bangin, magtambling tambling sa papawirin, at lahat ng inaalala ay aking pawiin. 


Makipagbreak sa boypren ko, magresign sa trabaho, magpakalayo layo at kalimutan ang mundo. Gusto kong kalimutan ang lahat at magsimula ng bago. Kaso kaduwagan daw ang tawag dun. Pero gusto ko pa ding subukang maging duwag kasi mukhang masaya yun.. 

Friday, June 3, 2011

Hola!

Kamusta? Napabayaan ko na ang blog na ito. Una, dahil sobrang busy ako sa trabaho at pag-aaral. Ikalawa, ay dahil hindi na ako si Paulakwatsera. Trabaho at aral na lang ang ginagawa ko araw araw araw. Maghapon at magdamag akong nakaharap sa computer at hindi na tulad ng dati. Masaya ba ako? Hindi ako sigurado.

Nakakamiss ng maligaw sa isang estrangherong lugar at kumausap ng mga estrangherong tao. Nakakamiss na ang dati kong mga pananaw sa buhay at ang dati kong istilo sa pagsusulat. Nakakamiss ang dating ako. Pero ganun talaga, the only thing inevitable is change.

At isa pa yan, yang pagsasalita ko sa wikang Ingles at pakikipagusap sa mga Amerikano araw araw. Naalala ko dati, pinangako ko sa sarili ko na di ako magpapaalila sa mga puti pero heto ako ngayon. Wala e, kailangan kong lunukin ang aking pride.

Paghumaharap ako sa salamin, ibang tao na ang nakikita ko. Gusto ko ba ang taong ito? Hindi ako sigurado. Masaya ba ako? Hindi ako sigurado.

Walang kasiguraduhan, ganyan yata talaga ang buhay. Hindi tayo sigurado sa lahat ng bagay at lalo na sa sarili natin. Pero marahil ay natatakot lang tayong tanggapin ang katotohanan.

Gusto kong maglakwatsa ulit.

Monday, November 29, 2010

Remember When

I saw this video from the Facebook wall of one of my new officemate in Verizon. I actually find this officemate interesting and so I sneakily investigate (in exchange for the term stalk) his account. He is tall, dark, and a silent-mysterious-rocker which, unconsciously, is usually my type. So there I was, on the verge of falling over from fidelity and then I tumbled upon this link and then at the middle of my graveyard shift I found myself in tears because of this certain video.



Kaboom!

Emotional breakdown in my cubicle. I ran heading to the restroom to save myself from humiliation. And now, also in a cubicle I continued my insanity.

Although I haven't seen the movie Up, this video is our story, the adventure-loving girl, the domesticated boy, their aspirations, and the love they share. The love that makes death, frustrations, broken dreams and a flat tire just fine.

That finding and keeping true love is the greatest adventure there is.



Merci pour cette belle aventure - il est temps pour toi d'er vivre une nouvelle! Je t'aime.

Thanks for this wonderful adventure. It's time for you to live a new one. I love you.



Tuesday, October 5, 2010

A Different Kind of Travel

Heto na si Paulakwatsera, nakaupo sa isang estrangherong upuan sa isang di kilalang lugar kaharap ang mga di pamilyar na mga mukha. Hindi na bago sa kanya ang ganitong tagpo pero alam niyang may kakaiba sa sitwasyon na kanyang kinalalagyan ngayon. Batid niyang sa paglalakbay na ito, wala ni sinuman sa kanyang pagtanungan ang nakakaalam sa tamang daan patungo sa kanyang destinasyon.
Binura na rin ng nakaraan ang daan patungo sa kanyang pinagmulan kaya ang maaari na lamang niyang gawin ay harapin ang daan at magpatuloy sa paglalakbay. Hindi siya masaya pero hindi rin siya malungkot
pero ang kiliti sa kanyang tiyan ang nagbibigay sa kanya ng pagkakuntento sa kasalukuyang sitwasyon.



Sunday, August 8, 2010

Verizon

August 5, 2010 (Thursday), habang nasa gitna ako ng aking ikaapat at huling araw ng Employee Orientation Program dahil ako ay isa ng ganap na Landbanker ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Paola ng Verizon. Sabi ng kasamahan ko, ang Verizon daw ang PLDT ng U.S.,wow! Nagusap kami sandali ni Ms. Paola at pagkatapos ay sinabi niya na may technical interview ako bukas (August 10, 2010, Friday). Ang isa sa mga NOC manager nila ang magiinterview sakin, si Mr. Allan Carlos. Kinabahan ako bigla, technical interview daw kasi. Batid ko na hindi pa ganun kalalim ang nalalaman ko sa field ng networking. Yikes, siguradong mangangamote ako pero sige, wala naman sigurong mawawala sakin. Andaming tumatakbo sa isip ko noong mga oras na iyon. Pati na rin ang kung papaano ako makakapunta sa Muntinlupa na alam kong malayo at matrapik. Pero bigla kong naalala na magkikita nga pala kami ni Astroboy bukas. Tamang tama, magpapasama ako.

At ayun na nga, dumating na ang Biyernes. Magaaral dapat ako ng ilang mga technical terms pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil itong si Santiago branch ay buong araw kong kausap dahil sa kakaibang niyang problema na sa tingin ko ay may kaugnayan sa routing nila. Hindi na nga ako nagkapagaral at dumating na ang alas kwatro kasama si Astroboy upang samahan ako sa Filinvest Corporate City. Dumaan muna kami sa Robinson's Manila upang bumili ng skirt dahil ang kasalukuyang kong suot na skirt at tumataas kapag ako ay naglalakad.

Sumakay kami ng non aircon bus sa may Taft at bumaba kami sa may palengke sa Alabang, naglakad lakad at nakakatuwa dahil sa aming paglalakad na walang direksyon ay narating namin ang Filinvest corporate city. Mula duon ay nagtricycle kami para marating ang northgate at pagkatapos ay umikot ikot hanggang makita sa wakas ang Plaza D. Ganap na 6:15 ako nakarating sa Verizon, late na sa interview kong 6:00. Maayos naman, wala masyadong tao na di gaya ng aking inaasahan. Hindi rin nakakaintimidate ang mga tao dahil mga nakapantalon lang sila, mukha pa nga akong over dressed dahil sa corporate outfit ko.

Ayun na nga, nakita ko na si Mr. Allan Carlos. Hindi siya gaya ng aking inaasahan. Akala ko mataba siya. Hehe! Mula sa 3rd floor ay bumaba kami sa 1st floor at dun na niya ako ininterview. Nagulat ako ng inabutan niya ako ng green na papel. Green = Landbank. Pambihira. Ayun, sumagot ako ng ilang mga tanong na nakakatawa ang mga sagot ko. Pagkatapos ay ang oral interview na, hindi ko alam kung dapat akong mahiya sa sarili ko pero siguro nga ay dapat akong mahiya. Andami kong hindi nasagot na mga terminologies na tinatanong niya. Familiar ako sa mga terms na yun pero hindi ko lang talaga matandaan ang mga meaning. Kamote talaga ako. Example ay ang T1 at E1, kung two years ago nya tinanong sakin iyon ay masasagot ko yun. Ang DTE/DCE, CSU/DSU, CIR, at iba pa na kung tinanong niya sakin last year ay masasagot ko. Isang right love at the wrong time ang nangyari. Sinabi na nya agad sa akin na hindi ako nakapasa. Nakakatawa na nakakaiyak na nakakahilo na nakakamulat ng kaisipan.

"You should study more." Yan ang sabi ni Mr. Allan. Isang bagay na alam kong dapat kong ginagawa pero kailangan yata talaga na isang hindi ko kilalang tao ang magsabi sakin nito para magising ako. Ang buong interview ay nagustuhan ko kahit pa hindi ako natanggap. Bakit? Dahil natuto ako. Hindi ito pampalubag loob, ito ang tunay na naramdaman ko.

Ang tanging kawalan ko lang ay yung pamasahe ko pero ang buong experience ko na pagpunta sa Alabang kasama si Astroboy, ang pagpapainterview at ang pagkagising ko sa katotohanan ay.. worth it.

Hindi ako para sa Landbank lamang. Sabi nga ni Ramon Bautista,

Kung masaya ka na sa buhay mo, wag nalang. Kung sa tingin mo may isasaya pa yan at gusto mo yun, GO FOR IT!



P.S.
Kung sakaling mabasa ito ni Astroboy, gusto kong magpasalamat sa'yo. Isa ka sa mga dahilan kaya naging maganda ang experience ko na ito. At isa pa, para sa iyo itong ginagawa ko. =)

Thursday, July 15, 2010

Domestic Rat

July 13, Martes, ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Smart Communications, iniimbitahan daw nila ako sa isang interview para sa posisyong Information Security Analyst na inapplyan ko sa July 15, Huwebes, 1:30 pm. Dumaan ang Miyerkules, si Bagyong Basyang, mga brownout at dumating na nga ang araw na ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at naisipan kong hindi sumipot sa interview sa isa sa mga pinapangarap kong mapagtrabahuhan na kumpanya.

Nang nagsimula ang araw na ito ay nagdadalawang isip pa ako, pero ang pagiisip ko ay sinalubong ng madaming tawag mula sa mga offline na mga branches ng Land Bank sa iba't ibang parte ng bansa. Nakakangarag dahil ang aga aga pa lang ay andami ng trabaho at marami pang hindi pumasok sa mga teammates ko. At nung sumagi muli sa balintataw ko
ng mga alas dies ng umaga ang interview ay naisip ko na kahit andami dami kong ginagawa nung mga panahon na iyon ay masaya pa din ako.

Siguro ganun talaga ang pagkatao ko. Kapag nakahanap na ako ng bagay na nakapagpapasaya sa akin ay hindi na ako bumibitiw at nagbabakasali na baka may iba pang mas makapagpasaya sa akin. Kaya siguro magaanim na taon na kami ng boypren ko at kaya siguro Jollispaghetti ang inoorder ko palagi sa Jollibee.

Hindi ako sigurado kung tama ang ginawa kong pagtanggi sa pagkakataon pero ang alam ko ay masaya ako sa ngayon. =)