Thursday, July 15, 2010

Domestic Rat

July 13, Martes, ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Smart Communications, iniimbitahan daw nila ako sa isang interview para sa posisyong Information Security Analyst na inapplyan ko sa July 15, Huwebes, 1:30 pm. Dumaan ang Miyerkules, si Bagyong Basyang, mga brownout at dumating na nga ang araw na ito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at naisipan kong hindi sumipot sa interview sa isa sa mga pinapangarap kong mapagtrabahuhan na kumpanya.

Nang nagsimula ang araw na ito ay nagdadalawang isip pa ako, pero ang pagiisip ko ay sinalubong ng madaming tawag mula sa mga offline na mga branches ng Land Bank sa iba't ibang parte ng bansa. Nakakangarag dahil ang aga aga pa lang ay andami ng trabaho at marami pang hindi pumasok sa mga teammates ko. At nung sumagi muli sa balintataw ko
ng mga alas dies ng umaga ang interview ay naisip ko na kahit andami dami kong ginagawa nung mga panahon na iyon ay masaya pa din ako.

Siguro ganun talaga ang pagkatao ko. Kapag nakahanap na ako ng bagay na nakapagpapasaya sa akin ay hindi na ako bumibitiw at nagbabakasali na baka may iba pang mas makapagpasaya sa akin. Kaya siguro magaanim na taon na kami ng boypren ko at kaya siguro Jollispaghetti ang inoorder ko palagi sa Jollibee.

Hindi ako sigurado kung tama ang ginawa kong pagtanggi sa pagkakataon pero ang alam ko ay masaya ako sa ngayon. =)

Saturday, July 10, 2010

Wow Weekeend

Alrightyroo, where I start. Ok, how about, I might lose my job because of the series of stupid job-related stunts I did within the last 24 hours.

Stupidity No. 1
We are suppose to upgrade the teller system to version 5. Upgrading can only be done after all the transactions for the day has been encoded but stupid me, I did the upgrade without confirming if all the bank transactions has already been encoded and so now I do not know what out of this world error awaits me on Monday.

Stupidity No. 2
I failed to activate the links that is suppose to put the ATM of the whole bank in online status by 2 am, but the ATMs was online by 11 am. Imagine that downtime and the money lost by the bank and the punishment I am going to get because of that.

I am doomed.

Sunday, July 4, 2010

Fan Girl

O sige na nga aaminin ko na, kabilang na rin ako sa madaming tagahanga ng SNSD o Girls Generation. Ibang klase kasi, ang gaganda at masasabi kong talented naman sila. Sana may ganito ring kainteresanteng mga celebrity sa Pinas para hindi na kailangang tumili sa mga singkit naming mga kababayan ko. Hindi mo naman talaga masisisi ang mga Pilipino kung nahuhumaling sila sa Kpop. Puros revival at panggagaya naman kasi ang Ppop. Kahit pa korni o jologs tignan ang mga koreanong ito, mas gusto ko naman silang panuorin kaysa sa Asap at Party Pilipinas.

Paborito kong miyembro ng SNSD si Hyoyeon. Parang magkakamukha lang kasi silang lahat at siya lang ang natatandaan ko yung mukha. Kahit parang marami yata ang may ayaw sa kanya dahil napapangitan sila, siya pa din ang pinakagusto ko, dahil na rin siguro sa hilig ko sa pagsasayaw.

So far ito ang pinakagusto kong video clip nila sa youtube,

Saturday, July 3, 2010

Random Thoughts

Wala akong ibang mapaglagyan nitong mga hindi tapos na mga kurokuro ko kaya dito na lang muna..


**
Hindi lahat ng nagwawalang bahala ay walang pakialam,
Minsan nagwawalang bahala ang isang tao para mapanatili ang kanyang katinuan,
Dahil sa dinamirami ng problema sa mundo,
Wag ka ng magtaka kung bakit madami ang nakakalbo

**
When death is near and heaven is uncertain,
He just wraps his arms around me and then,
Its serenity.

itutuloy ko na lang ang mga ito sa susunod, magpapraktis muna ako para sa job interview ko sa Monday.