Monday, May 31, 2010

Happy Feet


This is probably the first quote I've ever made in a "Tumblr format".. XD

Hindi ko masasabi na original ito kasi may inspirasyon ako na mga ibang kowts na related dito kaya ko nagawa ito pero kung ang original ay yung ako lang ang gumawa nitong kowt na ito at hindi ko pa naririnig itong eksaktong mga katagang ito sa kung saan man ay original nga siguro ito.

May nagpost kasi ng isang kowt na tropapips ko sa plurk na hindi ko naintindihan tapos pinaintindi nya sakin tapos hindi ako sumangayon e puyat ako nun e pag puyat ako para akong lasing at pag lasing ako ay aktibo ang emosyon ko kaysa sa utak ko kaya ayan, nagawa ko yan. =)

Butuan, San Francisco, Digos, Davao

Itinerary:

May 27, 2010

Residence to Malate Head Office to Manila Airport to Butuan Airport to San Francisco Branch

May 28, 2010

San Francisco Branch to San Francisco Bus Terminal to Davao Bus Terminal to Davao-Recto Branch

May 29, 2010

Davao-Recto Branch to Davao Bus Terminal to Digos Bus Terminal to Digos Branch to Digos Bus Terminal to Davao Bus Terminal to Davao Airport to Manila Airport to Malate Head Office to Residence.

1. A very exhausting weekend but I am not complaining. =)

2. Agahan, Tanghalian at Hapunan ko sa San Francisco, USA (Upper Side of Agusan) ay sa Jollibee na katabi lang ng branch. Dun ko narealize na parepareho ang lasa ng pagkain sa Jollibee. Hindi ako pinakain ng mga taga branch na ito pero ok lang, mababait naman sila.

3. Magkaiba ang San Francisco Bus Stop sa San Francisco Bus Terminal.

4. Nakita ko na sa personal si Sir Vincent. Siya yung isa sa mga kaclose ko na personnel ng branch particularly Bansalan branch (Bansalan is in Davao del Sur). Siguro kasi magkalapit yung age namin kaya nakaclose ko siya. Tsaka mabait siya tsaka nasasakyan niya ang mga kalokohan ko. Tsaka alam kong nababaitan siya sakin kahit na sinasabi niya na masama ako. =D

5. Nakapunta din ako sa Aldevinco (sikat na bilihan ng mga souvenir sa Davao City). Bumili ako ng authentic pearls at oriental bag. Dapat pala madami yung binili ko para naibenta ko online. Ang mumura kasi. 120 pesos lang yung pearls na sa Manila ay mga 700 siguro. At yung bag ay 150 lang kahit na mukhang galing sa Thailand.

Hanep. I love Davao =). Pero sa ganda ng Davao ay ito lang ang nakuhanan ko ng picture sa aking buong nakakapagod na travel sa bandang ibaba ng Pilipinas.

Nakita ko ito nung itinapon ko yung mga balat ng CAT-5 UTP Cable sa isang basurahan sa Digos Branch. XD

The Single Step


This is the single documented step that I am taking towards my journey of a thousand miles. Armed with keen senses, a screw driver and an eager heart, I invite you to come and join me as I literally and figuratively travel my way through the vast roads of life.