August 5, 2010 (Thursday), habang nasa gitna ako ng aking ikaapat at huling araw ng Employee Orientation Program dahil ako ay isa ng ganap na Landbanker ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Paola ng Verizon. Sabi ng kasamahan ko, ang Verizon daw ang PLDT ng U.S.,wow! Nagusap kami sandali ni Ms. Paola at pagkatapos ay sinabi niya na may technical interview ako bukas (August 10, 2010, Friday). Ang isa sa mga NOC manager nila ang magiinterview sakin, si Mr. Allan Carlos. Kinabahan ako bigla, technical interview daw kasi. Batid ko na hindi pa ganun kalalim ang nalalaman ko sa field ng networking. Yikes, siguradong mangangamote ako pero sige, wala naman sigurong mawawala sakin. Andaming tumatakbo sa isip ko noong mga oras na iyon. Pati na rin ang kung papaano ako makakapunta sa Muntinlupa na alam kong malayo at matrapik. Pero bigla kong naalala na magkikita nga pala kami ni Astroboy bukas. Tamang tama, magpapasama ako.
At ayun na nga, dumating na ang Biyernes. Magaaral dapat ako ng ilang mga technical terms pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil itong si Santiago branch ay buong araw kong kausap dahil sa kakaibang niyang problema na sa tingin ko ay may kaugnayan sa routing nila. Hindi na nga ako nagkapagaral at dumating na ang alas kwatro kasama si Astroboy upang samahan ako sa Filinvest Corporate City. Dumaan muna kami sa Robinson's Manila upang bumili ng skirt dahil ang kasalukuyang kong suot na skirt at tumataas kapag ako ay naglalakad.
Sumakay kami ng non aircon bus sa may Taft at bumaba kami sa may palengke sa Alabang, naglakad lakad at nakakatuwa dahil sa aming paglalakad na walang direksyon ay narating namin ang Filinvest corporate city. Mula duon ay nagtricycle kami para marating ang northgate at pagkatapos ay umikot ikot hanggang makita sa wakas ang Plaza D. Ganap na 6:15 ako nakarating sa Verizon, late na sa interview kong 6:00. Maayos naman, wala masyadong tao na di gaya ng aking inaasahan. Hindi rin nakakaintimidate ang mga tao dahil mga nakapantalon lang sila, mukha pa nga akong over dressed dahil sa corporate outfit ko.
Ayun na nga, nakita ko na si Mr. Allan Carlos. Hindi siya gaya ng aking inaasahan. Akala ko mataba siya. Hehe! Mula sa 3rd floor ay bumaba kami sa 1st floor at dun na niya ako ininterview. Nagulat ako ng inabutan niya ako ng green na papel. Green = Landbank. Pambihira. Ayun, sumagot ako ng ilang mga tanong na nakakatawa ang mga sagot ko. Pagkatapos ay ang oral interview na, hindi ko alam kung dapat akong mahiya sa sarili ko pero siguro nga ay dapat akong mahiya. Andami kong hindi nasagot na mga terminologies na tinatanong niya. Familiar ako sa mga terms na yun pero hindi ko lang talaga matandaan ang mga meaning. Kamote talaga ako. Example ay ang T1 at E1, kung two years ago nya tinanong sakin iyon ay masasagot ko yun. Ang DTE/DCE, CSU/DSU, CIR, at iba pa na kung tinanong niya sakin last year ay masasagot ko. Isang right love at the wrong time ang nangyari. Sinabi na nya agad sa akin na hindi ako nakapasa. Nakakatawa na nakakaiyak na nakakahilo na nakakamulat ng kaisipan.
"You should study more." Yan ang sabi ni Mr. Allan. Isang bagay na alam kong dapat kong ginagawa pero kailangan yata talaga na isang hindi ko kilalang tao ang magsabi sakin nito para magising ako. Ang buong interview ay nagustuhan ko kahit pa hindi ako natanggap. Bakit? Dahil natuto ako. Hindi ito pampalubag loob, ito ang tunay na naramdaman ko.
Ang tanging kawalan ko lang ay yung pamasahe ko pero ang buong experience ko na pagpunta sa Alabang kasama si Astroboy, ang pagpapainterview at ang pagkagising ko sa katotohanan ay.. worth it.
Hindi ako para sa Landbank lamang. Sabi nga ni Ramon Bautista,
Kung masaya ka na sa buhay mo, wag nalang. Kung sa tingin mo may isasaya pa yan at gusto mo yun, GO FOR IT!
P.S.
Kung sakaling mabasa ito ni Astroboy, gusto kong magpasalamat sa'yo. Isa ka sa mga dahilan kaya naging maganda ang experience ko na ito. At isa pa, para sa iyo itong ginagawa ko. =)