Nakakamiss ng maligaw sa isang estrangherong lugar at kumausap ng mga estrangherong tao. Nakakamiss na ang dati kong mga pananaw sa buhay at ang dati kong istilo sa pagsusulat. Nakakamiss ang dating ako. Pero ganun talaga, the only thing inevitable is change.
At isa pa yan, yang pagsasalita ko sa wikang Ingles at pakikipagusap sa mga Amerikano araw araw. Naalala ko dati, pinangako ko sa sarili ko na di ako magpapaalila sa mga puti pero heto ako ngayon. Wala e, kailangan kong lunukin ang aking pride.
Paghumaharap ako sa salamin, ibang tao na ang nakikita ko. Gusto ko ba ang taong ito? Hindi ako sigurado. Masaya ba ako? Hindi ako sigurado.
Walang kasiguraduhan, ganyan yata talaga ang buhay. Hindi tayo sigurado sa lahat ng bagay at lalo na sa sarili natin. Pero marahil ay natatakot lang tayong tanggapin ang katotohanan.
Gusto kong maglakwatsa ulit.
No comments:
Post a Comment