Showing posts with label kapalpakan. Show all posts
Showing posts with label kapalpakan. Show all posts

Thursday, June 3, 2010

Palpakers

At nung inakala ko na ayos na ang lahat ngayong araw ay tumawag ang Digos Accounting Center ng mga bandang hapon dahil nacorrupt ang server nila. Nagbrownout daw kasi at nung binuksan na nila ulit ang kanilang mahusay na server ay ayun.. C:\winnt\system32\chorvalu is missing or corrupt.
ANAK NG KAMOTE!!
Wala pa naman silang Backup Server. Este hindi pa naman pala namin este ko naconfigurean ng Backup Server yun. Palpak na naman. Hay naku. Buti na lang hindi ako yung nakausap este hindi ko pala talaga kinausap. Buti na lang sinalo sila nung mga mabubuti kong teammates. Buti na lang may isa silang terminal na may 2000 Server partition. Buti na lang hindi sila nagagalit. Haaaaayyyyyyyyyyy...

Lubos akong nagpapasalamat na naging ayos naman (yata) ang lahat at sana bukas wala ng problema na maisisi ko sa sarili ko.

Ayoko nang mag-sorry. Sawa na kong magsisi

Wednesday, June 2, 2010

Nagablenkblenk

Yan ang nangyayari sa server ng San Francisco Branch at Accounting Center magmula nung pumunta ako dun.

Kasalanan ko ba?
Kaya nagablenkblenk ang server nila ay dahil sa virus, sa Conficker at sa Back-door.
Bakit nagkavirus?
Dahil kinabit ko yung cable na nagcacascade sa Teller's switch, sa FMS switch at sa IP switch nila.
Bakit ko kinabit?
Dahil hindi magoonline ang mga IP applications ng Accounting Center kung hindi ko kinabit.
Tama ba ang ginawa ko?
Hindi, dapat inadvise ko yung branch na magpacable na lang ng bago.
Anong nararamdaman ko sa ginawa ko?
Sobrang lungkot, dahil mahirap talaga kapag sinisisi ka ng ibang tao pero pinakamahirap kapag wala kang ibang pwedeng sisihin kundi sarili mo.

Mga Aral:
1. Hindi dapat basta magawa mo lang yung isang trabaho. Dapat pulido dahil kung hindi, ikaw din ang mahihirapan.
2. Huwag na huwag umasa sa cascaded setup.
3. Magiging ayos din ang lahat.