Ang ganda. Mamamangha siguro ako kung nakita ko to sa personal.
Kahapon, Linggo, ay napunta ako sa simbahan ng Birhen ng Manaog. Ito ay matatagpuan sa isang lugar sa Pangasinan na sandamakmak ang tao. Masaya kong tinungo ang simbahan na ito sa pag-asang makakapagsimba na ako matapos ang mahabang panahon ng hindi pagdalaw sa bahay ng Diyos, ngunit nagkamali ako. Alas sais y medya ng umaga ay nakarating kami sa nasabing simbahan at napansin ko na andaming tao dahil pumipila pa sila para makapagsimba.
Tumaas ang kilay ko at aking nasabi na, "Bakit ba pumupunta pa sila dito para magsimba at magdasal e andami dami namang simbahan sa Pilipinas." At sinagot ako ng kasama ko ng, "E kasi natutupad yung mga hinihiling nila dito." "Sus, e kung tutuparin talaga ng Diyos ang panalangin mo e tutuparin nya yun kahit saan ka pa magsimba. At kung hindi ay kahit sa Roma ka pumunta, hindi talaga. Kalokohan to." "Edi umuwi ka na lang." At ayun na nga, hindi na ako nakapasok ng simbahan dahil lalong dumami ang marami ng mga tao. E bahala na nga sila, hindi rin naman ako makakapagdasal ng taimtim sa ganung kadaming deboto. Kaya minarapat ko na kumain na lang ng bentsingko pesos na lugaw. Siguro binendisyunan ang lugaw na yun kaya ganun kamahal. Nawa'y pagpalain ang sikmura ko.
Pananampalataya. Yan siguro ang dahilan nila at ang kulang sakin kaya hindi ko maintindihan. Pero kung iyon ay bulag na pananampalataya, tingin ko ay wala akong karapatang magsabi.
Ito ang aking kinain ngayong gabi sa Flapjacks. Kahit medyo mahal, malaki naman yung servings at masarap. Malaki as in malaki talaga, inirerekomenda kong 1 pc. lamang ang bilihin na chicken breast. Pinakanagustuhan ko yung Flapjacks Sundae. Pero ang pinakaayos ay ang lahat ng ito'y LIBRE! =)
Yan ang bansag sa akin ngayon sa opisina matapos kong mapaonline ang limang araw ng offline na si Narvacan Branch. Limang araw na kasing may problema ang frame relay nila kay globe at s.o.p. namin na ionline sila sa dial up. Mabilis na nakarating sa mga bossing ang magandang balita at ayan, ako na ang dial up queen. Masayang masaya naman sila dahil nagagalit na yung manager ng Narvacan Branch at dahil naonline sila ay bawas sakit sa ulo nila bossing.
Buti na lang medyo nakakabawi na ako sa mga kapalpakan ko nitong mga nakakaraan. Salamat po ng madami. Mahal ko talaga ang trabaho ko at alam ko na ngayon na masaya ako sa ginagawa ko kahit hindi masyado sa sweldo.
Success doesn't always leads to happiness but Happiness always leads to success.
At nung inakala ko na ayos na ang lahat ngayong araw ay tumawag ang Digos Accounting Center ng mga bandang hapon dahil nacorrupt ang server nila. Nagbrownout daw kasi at nung binuksan na nila ulit ang kanilang mahusay na server ay ayun.. C:\winnt\system32\chorvalu is missing or corrupt. ANAK NG KAMOTE!! Wala pa naman silang Backup Server. Este hindi pa naman pala namin este ko naconfigurean ng Backup Server yun. Palpak na naman. Hay naku. Buti na lang hindi ako yung nakausap este hindi ko pala talaga kinausap. Buti na lang sinalo sila nung mga mabubuti kong teammates. Buti na lang may isa silang terminal na may 2000 Server partition. Buti na lang hindi sila nagagalit. Haaaaayyyyyyyyyyy...
Lubos akong nagpapasalamat na naging ayos naman (yata) ang lahat at sana bukas wala ng problema na maisisi ko sa sarili ko.
Yan ang nangyayari sa server ng San Francisco Branch at Accounting Center magmula nung pumunta ako dun.
Kasalanan ko ba? Kaya nagablenkblenk ang server nila ay dahil sa virus, sa Conficker at sa Back-door. Bakit nagkavirus? Dahil kinabit ko yung cable na nagcacascade sa Teller's switch, sa FMS switch at sa IP switch nila. Bakit ko kinabit? Dahil hindi magoonline ang mga IP applications ng Accounting Center kung hindi ko kinabit. Tama ba ang ginawa ko? Hindi, dapat inadvise ko yung branch na magpacable na lang ng bago. Anong nararamdaman ko sa ginawa ko? Sobrang lungkot, dahil mahirap talaga kapag sinisisi ka ng ibang tao pero pinakamahirap kapag wala kang ibang pwedeng sisihin kundi sarili mo.
Mga Aral: 1.Hindi dapat basta magawa mo lang yung isang trabaho. Dapat pulido dahil kung hindi, ikaw din ang mahihirapan. 2.Huwag na huwag umasa sa cascaded setup. 3.Magiging ayos din ang lahat.
Sobrang tagal na nitong movie na ito pero ngayon ko lang napanuod. Actually hindi ko talaga siya napanuod ng buo dahil kasabay niya ang gossip girl na siyang tunay kong paborito pero may napanuod akong parte na talagang tumatak sa aking utak. Di ko alam kung pagbibiro ng pagkakataon o kung ano man pero sobrang makahulugan para sa akin ng palitan ng salitang ito ng mga sumusunod na tauhan sa Kung Fu Panda.
Oogway: Look at this tree, Shifu. I cannot make it blossom when it suits me nor make it bear fruit before its time. Shifu: But there are things we *can* control: I can control when the fruit will fall, I can control where to plant the seed: that is no illusion, Master! Oogway: Ah, yes. But no matter what you do, that seed will grow to be a peach tree. You may wish for an apple or an orange, but you will get a peach. Shifu: But a peach cannot defeat Tai Lung! Oogway: Maybe it can, if you are willing to guide, to nurture it, to believe in it. Shifu: But how? How? I need your help, master. Oogway: No, you just need to believe. Promise me, Shifu, promise me you will believe.
Ayun. Naalala ko yung ginawa kong status message sa fb at ang nakuha kong comment: I shot for the sky, I'm stuck on the ground.
At ang nakuha kong sagot ay, "patience paupau."
Siguro nga tama siya, masyado akong nagmamadali. Masyado kong iniisip ang mga bagay bagay. Pakiramdam ko kasi na matanda na ako ay wala pa rin akong nararating kaya binabagabag na ako ng aking pagkamainipin. Sana nga pagdating ng panahon ay lumagay sa tamang lugar ang mga bagay bagay. Dapat nga siguro talaga akong maghintay at maniwala.
At habang ako'y naghihintay ay nais kong ikwento ng kaunti ang kakatwang araw na ito. Nagumpisa ng hindi maganda dahil sa mga munting problema sa trabaho at unang araw ng pagkatas ng aking pagkababae pero matapos ang tanghalian ay ininterview ako ni bossing para sa regularization ko, nilibre ako ng sugar raised doughnut ng isa kong katrabaho, nilibre pa ulit ako ng isa kong katrabaho ng bavarian filled choco bar doughnut at paguwi ko ay nakakagulat na may doughnut ulit sa mesa.
Siguro ang buhay ay parang araw na ito. Hindi man maging maganda ang simula ay dapat lang maghintay at maniwala. Magiging matamis din ang lahat. Apir!