Sunday, June 20, 2010

Balik Tanaw at HPB Rizal


June 19, 2010
Bulacan State University
Malolos, Bulacan


Kahapon ay aattend dapat ako ng seminar ng study program sa UK kasama ang mga dati kong mga kaklase sa kolehiyo na sila Marlene, Bien at Ramon. Pero dahil late na kami at may nakasabay kaming mga late din na mga nursing students ay nawalan na kami ng gana kaya nagpasya kaming pumunta na lang sa aming dating eskwelahan, sa BSU.

Dumiretso na kami sa gate 1 at pagkapasok namin ay nagulat kami sa aming nakita, hindi na ito ang BSU na aming kilala.
Oha! May Robinson's Supermarket, KFC, Gerry's Grill, Mcdo, Joey Pepperoni, Figaro, Mang Inasal, Fix, at iba pa sa school nyo. Haha! Naalala ko dati, itlog ng pugo lang ang kasiyahan ng mga estudyante noong panahon ko.

Ito pa ang ibang tumambad sa aming pagbisita
,

Ang bagong covered court

Ang Rizal Park at ang bagong building



Pero kahit malaki na ang pinagbago ng BSU ay meron pa ding mga bagay na gaya pa rin ng dati,

Ang Engineering building, ay may nabago pala kasi may stall na ng hongkong fried noodles

Ang CR sa 2nd Floor ng Eng. Bldg., ay may bago rin pala, yung apple green na trash bin

Eto walang pinagbago, ang mahabang proseso ng enrollment

Ang nilimot ng makabagong panahon na Integ

Ang sampung pisong red tea

At higit sa lahat, walang pinagbago ang walang humpay na tawanan, masarap na kwentuhan, tunay na pagkakaibigan at masayang samahan. =)


Tuesday, June 15, 2010

Fashion Designer

Yan ang gusto kong maging ngayon. Isang Electronics Engineer/Fashion Designer. Tigas!

Dahil yan isang blog na natagpuan ko sa blogcatalog.com
. Kahit pa hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dun dahil iba ang lenggwaheng gamit nya ay parang akong bata na nagbabasa ng encyclopedia na naengganyo sa mga litrato dun sa blog nya. Naisip ko bigla ang hilig ko sa mga damit at kung papaanong hirap akong bumili ng mga damit dahil may sarili akong style na gusto na hindi ko nakikita sa mga mall at naisip ko na gusto ko ding matutong gumawa ng sarili kong damit at gumawa ng damit para sa ibang tao at naisip ko din na naiinggit ako sa mga anak mayaman na gumagawa ng sarili nilang mga damit para ipangCosplay. Ting! Isang bumbilya ang umilaw sa kukote ko. Gusto kong maging isang fashion designer. Teka, ito nga pala yung blog na nakainspire sa akin: Pindot!

Kaya ayun, dali dali kong sinearch sa google ang dressmaking at tumambad sa akin ang site ng Fashion Institute of the Philippines. Dali dali kong tinignan kung magkano ang mga kurso para maging isang mahusay na high class mananahi at BENGA!, high class din ang presyo. Pero di ako susuko, manonood na lang ako ng mga tutorial sa youtube. Tama, yun nga ang gagawin ko. Sana buo pa yung sewing machine ng lola ko na paborito kong sakyan yung pedal nung bata pa ako.

At gusto ko pala na ako ang tatahi ng traje de boda ko pagdating ng tamang panahon at gusto ko ganito ang disenyo nun:

Monday, June 14, 2010

Dreams



Negativity surrounded me last night as I was pondering on this harsh reality. Because really, I am no Walt Disney or Michael Jordan or Jovit Baldovino. And chances are more than half of my dreams will never happen. So all the hope is lost within me until this morning when I decided to click on a certain facebook application, God wants You to Know, and it said..

"
On this day God wants you to know..
... that when you pursue your dreams, every second is an encounter with God. Following your dreams opens your heart allowing God to enter and fill you with bliss."


Weird. I don't know who owns that application and I'm pretty sure it is not God but it usually says the right things at the right time.

And maybe its not too late to follow my dreams. I almost forgot that I am an achiever. I was a valedictorian in preschool, a silver medalist in gradeschool, belongs to the upper 20% of the class in highschool, a dean's lister in college, and a board passer with a total percentage of 81.

I can be what I want once I put my mind in to it. What in the world was I thinking, letting my flame die just like that. I am a fighter and I usually strive to be better than most. Ha! Screw John Barrymore, I am off to make my own awesome quotations about my awesome life. Watch me!

Saturday, June 12, 2010

New Zealand

Dati pangarap ko talagang pumunta sa New Zealand. Magmula nung bata ako hanggang college. Ang age limit na binigay ko sa sarili ko para makapunta sa New Zealand ay 25. Dapat bago ako magbentesingko anyos ay nasa New Zealand na ako. Kung susumahin ay may isa't kalahating taon na lang ako. Pero hindi ko na ito iniisip, parang hindi ko na gustong tumira sa bansa na maraming baka. Sa totoo lang, hindi ko na naiisip na tumira sa kahit anong bansa liban sa Pilipinas. Oo nga, pwera biro. Di ako baliw o tanga. May narealize lang ako sa pagbbyahe byahe ko.

Nerealize ko ang importansya ng aking pamilya, nung mga mahal ko sa buhay, nung aming munting tahanan. Dati wala akong pakialam sa kanila, ang totoo nga nyan ay kinamumuhian ko ang aking kakaibang pamilya. Away dito, away dun, reklamo dito, reklamo dun. Pero nung nagsimula akong bumyahe dahil sa aking trabaho at nagsimula akong mawala sa bahay namin ng mga ilang araw linggu-linggo, tumira sa iba ibang lugar, at madalas na kumain ng magisa ay nakakagulat na namiss ko ang aking pamilya. Napagtanto ko kung gaano nila ako napapasaya at naisip ko na hindi sapat na dahilan ang pera para ipagpalit ko ang kasiyahan na aking nadarama kapag kapiling sila at ang aking mga kaibigan. Dito ako pinanganak at kahit gaano pa kabulok ang kalakaran at sistema dito sa Pinas ay hindi ko ito ipagpapalit dahil ang puso ko ay nakatatak na sa lupain na ito.

Naalala ko na may napanuod ako dati na interview kay Sharon Cuneta at sinabi nya na kaya daw hindi sila nagmimigrate ng kanyang pamilya sa ibang bansa ay dahil magiging second class citizen daw sila. Kahit pa daw legal silang maging citizen ng isang banyagang bayan ay hindi pa rin ito katulad nung kapag nasa Perlas ng Silangan sila. "Pilipino ako kaya dapat sa Pilipinas ako nakatira."
Hindi ko idol si Sharon na kagaya ng tatay ko na umiyak pa nung kinasal siya kay Gaby pero humanga ako sa sinabi nya na ito. Totoo nga naman. Aba teka, June 12 pala ngayon. Araw ng kalayaan. Libre ang sakay sa LRT pero nagbebenta pa rin sila ng ticket sa mga hindi nakakaalam na libre. Hindi ko sinasadya na maging makabayan ang entry na ito. Siguro ay dahil sa lukso ng dugong Pilipino na nananalaytay sa akin. Laban Pacman! XD



Iloilo June 10-12, 2010



(pansinin ang 15th house rule ni Ate.. XD)


Things I've Learned from this Lakwatsa


1. When checking in a cheap pension house with a half naked tipsy male receptionist, reconsider.
2. Eat in Ted's or Dapli's instead of Shakey's and Greenwich.
3. People in Iloilo are ten times better than the people in Cagayan de Oro.
4. Going to Boracay from Iloilo is like going to Baguio from Cavite with traffic.
5. There is no pillow like my old dilapidated familiar pillow, no properly cushioned bed like my papag bed, no freshly Downied blanket like my Paulakwatsera-scented blanket and basically,
There is no place like home. =)

Thursday, June 10, 2010

AB in BC


Our first out of town trip
June 6, 2010
Baguio City

Monday, June 7, 2010

Di Boto sa mga Deboto

Ang ganda. Mamamangha siguro ako kung nakita ko to sa personal.

Kahapon, Linggo, ay napunta ako sa simbahan ng Birhen ng Manaog. Ito ay matatagpuan sa isang lugar sa Pangasinan na sandamakmak ang tao. Masaya kong tinungo ang simbahan na ito sa pag-asang makakapagsimba na ako matapos ang mahabang panahon ng hindi pagdalaw sa bahay ng Diyos, ngunit nagkamali ako. Alas sais y medya ng umaga ay nakarating kami sa nasabing simbahan at napansin ko na andaming tao dahil pumipila pa sila para makapagsimba.

Tumaas ang kilay ko at aking nasabi na,
"Bakit ba pumupunta pa sila dito para magsimba at magdasal e andami dami namang simbahan sa Pilipinas."
At sinagot ako ng kasama ko ng,
"E kasi natutupad yung mga hinihiling nila dito."
"Sus, e kung tutuparin talaga ng Diyos ang panalangin mo e tutuparin nya yun kahit saan ka pa magsimba. At kung hindi ay kahit sa Roma ka pumunta, hindi talaga. Kalokohan to."
"Edi umuwi ka na lang."
At ayun na nga, hindi na ako nakapasok ng simbahan dahil lalong dumami ang marami ng mga tao. E bahala na nga sila, hindi rin naman ako makakapagdasal ng taimtim sa ganung kadaming deboto. Kaya minarapat ko na kumain na lang ng bentsingko pesos na lugaw. Siguro binendisyunan ang lugaw na yun kaya ganun kamahal. Nawa'y pagpalain ang sikmura ko.

Pananampalataya. Yan siguro ang dahilan nila at ang kulang sakin kaya hindi ko maintindihan. Pero kung iyon ay bulag na pananampalataya, tingin ko ay wala akong karapatang magsabi.